Wednesday, May 9, 2007

Dramathon sa Hapon

Isang Mensahe.

Walang pangalan ngunit alam ang katauhan. Ang simpleng pagbanggit lamang ng iyong ngalan ay nakapagpa-nginig sa iyong laman. Pumukaw sa mga emosyong akala ay matagal nang patay, limot na.

Limot na nga ba o sapilitang ikinubli?

"Hindi siya ito.", tangkang pagpapaniwala sa sarili.

Sinimulang basahin, unawaain. Pamilyar ka sa pagbuo ng pangungusap, sa paraan ng kanyang pananalita. Nasa iyong isipan ang imahe ng may-akda, ang kanyang tinig, umaalingaw-ngaw. Pilit tinapos ang nasimulan at nagmaang-maangang galing ito sa isang kakilala.

"Siya nga.", duwag na pagkumpirma.

Siya nga kaya?

Sino pa ba?

Naghanap ng salitang maaaring makapagbigay kahulugan sa nadarama.

Naalala ang maliligayang araw. Ngunit agad itong ninakaw ng mga masasama, malulungkot, kalimot-limot.

"Sino ka?", pagkukunwaring tanong, huwad na pag-uusisa. Umaasa, hindi, nagmamaka-awa na ang matuklasang kausap ay isang kaluluwang walang kaugnayan.

Bigo.

At namulat ka sa masakit na katotohanang kasing-hirap ng pag-alala sa isang taong hindi mo pa nakikita ang paglimot sa taong minsa'y naging sentro ng iyong buong pagkatao.

D R A M A.

No comments: